7 Asset Classes - 10+ Trading Platforms - Higit 1000 instruments
Sumali sa Live na Batikang Talakayan sa Tagalog. Manood Dito LIVE
Mag-trade ng Forex, Precious Metals, Energies at Equity Indices mula sa 1 Account.
Agad na ma-access ang markets sa buong mundo gamit ang XM MT4 o MT5 trading platforms.
Kapag nagsasara ang isang pangunahing forex market, nagbubukas naman ang isa pa. Halimbawa, sa GMT, ganito ang oras ng pag-trade sa buong mundo: bukas sa New York mula 01:00 PM – 10:00 PM GMT; pagdating ng 10:00 PM GMT magiging online ang Sydney; magbubukas ang Tokyo ng 12:00 AM at magsasara ng 9:00 AM GMT; at para makumpleto ang siklo, magbubukas naman ang London ng 8:00 AM at magsasara ng 05:00 PM GMT. Sa ganitong paraan, 24 oras sa isang araw makakapag-trade ang mga trader at broker sa buong mundo, kasama ng pakikilahok ng mga bangko sentral sa lahat ng kontinente.
Ang forex market ay bukas 24 oras kada araw, at importanteng malaman kung alin ang pinaka-aktibong oras ng pag-trade.
Halimbawa, kung may oras na hindi siya kumikilos ng 5 pm – 7 pm EST, pagka-nagsarado na ang New York at bago magbukas ang Tokyo, ang Sydney ay handa na para sa pagti-trade na may pagkilos na kumpara sa tatlong pangunahing sesyon (London, US, Tokyo). Samakatuwid, kaunting pagkilos ay nangagahulugang kaunti din ang pagkakataong kumita. Kung gusto mong mag-trade ng currency pairs gaya ng EUR/USD, GBP/USD o USD/CHF mas malimit ang paggalaw nito sa pagitan ng 8:00 am – 12 :00 pm kung kailan parehong aktibo ang Europa at US.
Ang ibang dapat abangan pa sa oras ng kalakalan ay ang takdang paglalabas ng mga ulat ng mga gobiyerno at ang opisyal na balita sa ekonomiya. Ang mga gobiyerno ay nagtatakda ng mga oras kung kailan nila ilalabas ang ulat, ngunit hindi nila ito itinutugma sa mga pag-uulat ng ibang mga bansa.
Kaya naman kapaki-pakinabang na alamin ang mga pang-ekonomiyang indicator na inilalathala ng mga malalaking bansa, dahil sumasabay ito sa mga pinaka-aktibong sandali sa forex trading. Ang mas mataas na aktibidad ay nangangahulugan ng mas maraming oportunidad sa presyo ng currency, at minsan ine-execute ang order sa presyong hindi mo inaasahan.
Bilang isang nagti-trade, mayroong kang dalawang opsiyon: ibahagi ang mga naitatalang balita sa iyong pagti-trade upang kumita ng malaki sa mga baryanteng mga presyuhan, o sadyaing huwag muna mag-trade sa mga oras na ito. Alinmang alternatibo ang iyong pipiliin, kailangang maging maagap sa biglaang pagbabago ng presyo na panahon ng paglalabas ng mga balita.
Para sa mga nagti-trade ng hapon ang pinaka-makilos na mga oras ay ang pagbubukas ng kalakalan ng London nang 08:00 GMT at ang pagsasara ng kalakalan sa Amerika nang 22:00 GMT. Ang pinaka-taluktok na oras ay kung kailan ang kalakalan ng Amerika at London ay nagsanib nang 1pm GMT – 4 pm GMT. Ang pangunahing sesyon sa bawat araw ay ang kalakalan ng London, Amerika at Asya.
Sa ibaba ay ang maikling pangkalahatang-ideya ng mga sesyon sa pagti-trade na makakatulong saiyo upang makinabang sa kalakalan:
SESYON SA LONDON – nagbubukas mula 8 am GMT – 5 pm GMT; EUR, GBP, USD ay ang mga aktibong uri ng mga salapi;
SESYON SA AMERIKA – nagbubukas mula 1 pm GMT – 10 pm GMT; USD, EUR, GBP, AUD, JPY ay ang mga aktibong uri ng salapi;
SESYON SA ASIA – nagbubukas mula 10 pm GMT nang Linggo ng hapon, at tumutulay papunta sa sesyon ng Europa nang mga 9 am GMT; na hinda masyado naaangkop na oras ng pagti-trade.
Ang oras ng pagti-trade sa XM ay mula Linggo 22:05 GMT hanggang Biyernes 21:50 GMT. Kapag sarado na ang aming dealing desk, hindi na mag-e-execute ng trade ang trading platform at maaari na lamang itong tingnan.
Para sa anumang mga katanungan, teknikal na problema, o agarang suporta, huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa aming 24 oras na Customer Experience team sa pamamagitan ng email o live chat. Mangyaring ihanda ang mga detalye ng iyong account para matulungan ka namin sa iyong mga order.
Para sa mga closing position, kailangan mo ring ibigay ang numero ng tiket kapag nagtakda ng take profit o stop loss sa isang kasalukuyang position. Ang kailangan mo lang gawin ay mag-request ng magkabilaang quote para sa isang partikular na currency pair at sabihin ang laki ng transaksyon (hal. “Gusto kong malaman ang Dollar-Yen quote para sa 10 lots.”). Tandaan na kapag hindi mo matagumpay na inilagay ang iyong password, hindi namin maisasagawa ang iyong mga tagubilin.
Babala sa Risk: Maaaring malugi ang iyong kapital. Maaaring hindi nababagay sa lahat ang mga produktong naka-leverage. Mangyaring isaalang-alang ang aming Pahayag sa Risk.