Rollover at Overnight Swaps

Rollover sa XM

Mapagkumpitensiyang singil sa pag-swap

Malinaw ng Rate ng Swap

Mag-trade ng Forex, Precious Metals, Energies at Equity Indices mula sa 1 Account.
Agad na ma-access ang markets sa buong mundo gamit ang XM MT4 o MT5 trading platforms.

Pag-iwan ng mga Naka-open na Position Kinagabihan

Ang mga position na iiwanang naka-open kinagabihan ay maaring singilin ng rollover na interes. Sa mga forex instrument, ang halagang iki-credit o sisingilin ay depende sa position na pinanghawakan (ayan ay, long o short) at ang pagkakaiba sa rate ng dalawang currency na tini-trade. Sa stocks at mga stock index, ang halagang iki-credit o sisingilin ay depende kung short o long position ang pinanghawakan.

Mangyaring tandaan na ang rollover na interes ay sinisingil lamang para sa mga cash na instrument. Para sa mga futures, na mayroong petsa ng pag-expire, walang sisingilin kinagabihan.

Ano ang Rollover?

Ang rollover ay ang proseso ng pagpapahaba ng settlement date ng isang bukas na posisyon (ie petsa na kung saan isang naipatupad na trade ay dapat ma-areglo). Ang forex market ay nagbibigay-daan sa dalawang araw ng negosyo para sa pag-aayos ng lahat ng spot trades, na nagpapahiwatig ng pisikal na paghahatid ng mga pera.

Kaya lang, sa margin trading, walang pisikal na pagpapatupad, kaya naman lahat ng mga naka-open na position ay kailangang i-close gabi-gabi sa pagtatapos ng araw (22:00 GMT) at i-open ulit sa sumunod na araw ng pag-trade. Kaya naman, dahil dito naaantala ang pagbabayad ng isa pang araw ng pag-trade. Ang diskarteng ito ay tinatawag na rollover.

Ang rollover ay sinasang-ayunan sa pamamagitan ng swap contract, na maaring ikalugi o pagkakitaan ng mga nagti-trade. Hindi nagku-close at nag-o-open muli ng mga position ang XM, ngunit dini-debit o kini-credit lamang nito ang mga trading account para sa mga position na iniwang naka-open kinagabihan, depende sa kasalukuyang rate ng interes.

Swap Fees sa XM

Dini-debit o kini-credit ng XM ang mga account ng kliyente at pinanghahawakan ang rollover na interes sa napakababang rate para sa lahat ng position na iniwang naka-open matapos ang 22:00 GMT, ang arawang oras ng cutoff ng mga bangko.

Bagama't walang rollover tuwing Sabado at Linggo kung saan sarado ang mga market, kinakalkula pa rin ng mga bangko ang interes sa alinmang position na iniwang naka-open kapag weekend. Para mapunan ang pagkakaiba sa oras, naglalagay ang XM ng 3 araw na singil sa rollover tuwing Miyerkules para sa forex at spot metals (gold at silver), at tuwing Biyernes para sa CFDs sa mga cash index, cash energy, at stocks.

Paano Kinakalkula ang Swaps

Pagkalkula ng Swaps para sa Forex at CFDs sa Gold at Silver

Ang rate ng rollover para sa mga position sa forex at spot metal ay sinisingil sa rate ng tomorrow-next (ayan ay, bukas, at sa susunod na araw), kabilang na ang markup ng XM sa pag-iiwan ng mga position kinagabihan. Ang rate ng tom-next ay hindi nagmumula sa XM ngunit kinakalkula mula sa pagkakaiba ng rate sa interes ng dalawang currency kung saan pinanghawakan ang position.

Halimbawa:

Ipagpalagay na nag-trade ka ng USDJPY at ang rate ng tom-next ay ang sumusunod:
+0.5% para sa long position
-1.5% para sa short position
Sa eksenang ito, ang rate ng interes sa USA ay mas mataas kaysa sa Japan. Ang isang long position sa currency pair na iniwang naka-open kinagabihan ay makakatanggap ng +0.5% – markup ng XM.
Sa kabilang banda, para sa isang short position ang kalkulasyon ay -1.5% – markup ng XM.

Sa pangkalahatan, ang kalkulasyon ay ang sumusunod:

Laki ng iti-trade X (+/- rate ng tom-next – markup ng XM)*

Dito, ang +/- ay depende sa pagkakaiba ng rate sa pagitan ng dalawang currency sa isang pair.

*Ang halaga ay isinasalin sa currency points ng quote currency.

Pagkalkula ng Swaps para sa Stocks at mga Stock Index

Ang rate ng rollover para sa mga position sa stock at stock index ay tinutukoy ng kaugnay na interbank rate ng stock o index (halimbawa, para sa securities na naka-lista sa Australia, ito ang rate ng interes na sinisingil sa pagitan ng mga bangko sa Australia para sa mga panandaliang utang), na dadagdagan/babawasan ng markup ng XM sa mga long at short position, ayon sa pagkakabanggit.

Halimbawa:

Ipagpalagay na magti-trade ka sa Unilever (isang stock na naka-lista sa UK) at ang panandaliang interbank rate sa UK ay 1.5% sa isang taon, para sa long position na iiwang naka-open kinagabihan, ang kalkulasyon ay ang sumusunod:
-1.5%/365 – arawang markup ng XM
Sa kabilang banda, ang kalkulasyon para sa short position ay +1.5%/365 – arawang markup ng XM.

Sa pangkalahatan, ang kalkulasyon ay ang sumusunod (na may arawang rate tulad ng makikita sa ibaba):

Laki ng iti-trade X presyo sa pag-close X (+/- panandaliang interbank rate – markup ng XM)

Dito, ang +/- ay depende kung short o long position ang pinanghawakan sa isang instrument.

Para sa Crypto CFDs

Ang rollover para sa crypto CFDs ay batay sa gastos sa pagpondo ng leverage ng pinagbabatayang asset pati na ng pangkalahatang kondisyon ng market. Sa oras ng hindi kasiguraduhan o matinding pagbabago-bago sa market, maaaring tumaas ang rollover dahil sa mas mataas na inaasahang risk. Ipinapataw ang overnight na singil sa crypto CFDs mula Lunes hanggang Biyernes, kung saan triple ang sinisingil tuwing Biyernes.

Halimbawa:

Para tantyahin ang overnight na singil sa crypto CFD positions, ang kalkulasyon ay:
Volume ng Trade x Laki ng Contract x Tick Size x Halaga ng Swap

*Ang halaga ng swap para sa crypto CFDs ay nakalagay bilang points at madali itong maa-access sa aming platform.

**Ang tinatayang halaga ay iko-convert sa points ng kaugnay na quote currency.

Kailan Nagkakaroon ng Rollover?

Ang 22:00 GMT ay itinuturing na pagsisimula at pagtatapos ng araw ng pag-trade. Ang mga position na iiwanag naka-open sa eksaktong 22:00 GMT ay iro-rollover at iiwang naka-open kinagabihan. Ang mga position na i-o-open sa 22:01 ay hindi iro-rollover hanggang sa susunod na araw, pero kung nag-open ka ng position sa 21:59, iro-rollover ito sa 22:00 GMT. Para sa bawat position na naka-open pag dating ng 22:00 GMT, may lalabas na credit o debit sa iyong account sa loob ng isang oras.

Gumagamit kami ng cookies para mabigyan ka ng mahusay na karanasan sa aming website. Magbasa pa o palitan ang iyong cookie settings.

Babala sa Risk: Maaaring malugi ang iyong kapital. Maaaring hindi nababagay sa lahat ang mga produktong naka-leverage. Mangyaring isaalang-alang ang aming Pahayag sa Risk.