Tungkol sa MetaTrader 5 (MT5)
Ang online trading platform MetaTrader 5, o mas kilala sa tawag na MT5, ay ang sumunod sa tanyag na MetaTrader 4 (MT4). Ito ay ginawa ng MetaQuotes Software Corp., at unang inilabas noong 2010 bilang beta version. Sa loob ng panahon, ang MetaQuotes ay nag-invest para sa patuloy na pag-develop, pag-test at pagpapabuti nito, kaya naman ang MT5 ngayon ay isang next generation trading platform na nagbibigay ng walang hanggang posibilidad.
Ang pinakamalaking bentahe ng MT5 kaysa sa sinundan nito ay ang flexibility para magkaroon ng mas maraming instruments mula sa iba't-ibang mga asset classes na may iba't-ibang settings, na lahat maaaring i-trade mula sa iisang interface at iisang trading account.
Ang MetaTrader 5 (MT5) ay mas lalo pang pinabuti ang tanyag na charting package at ang awtomatikong pag-trade. Lahat ng mga katangian ng MetaTrader 4 (MT4) para maging pinakamahusay na platform ay lalo pang in-upgrade para sa mas pinabagong back end infrastructure na maaaring sumuporta sa pag-trade ng iba't-ibang instruments mula sa iba't-ibang asset classes.
Multi-Asset Trading sa MT5
Sa MT5 magkakaroon ng pagkakataon ang mga nag-i-invest online na mag-trade ng iba't-ibang uri ng assets tulad ng forex (currency trading) pati na ng mahahalagang metal, enerhiya, at mga commodity.
Para sa baguhan man, batikan o propesyonal na online traders, ang MT5 ay nagbibigay ng bagong perspektibo para hindi lamang mag-trade ngunit magkaroon din ng mas malalim na kaalaman tungkol sa iba't-ibang mga markets at asset classes.
Higit pa, sa ika-21 na siglo, ang abilidad para sa mga online investor na mag-trade ng iba't-ibang mga financial assets mula sa iisang account ay nagbibigay ng bentahe ng strategic na asset allocation (o asset management), na may pangunahing layunin na maglagay ng kapital sa iba't-ibang assets at paliitin ang risk ayon sa market volatility, at tumugon sa kung paano gagalaw ang mga assets sa panandalian o pangmatagalang panahon.
Mga Bentahe ng MT5 sa Online Trading
Ang multi-functionality ng MT5 platform ay nagtataglay ng makapangyarihang mga katangian, na lahat ay ginawa gamit ang makabagong teknolohiya at sa pamamagitan ng pagtuon sa iba't-ibang mga criteria, kung saan ang pinaka-importante ay ang charting package, ang posibilidad at flexibility ng automated trading (algorithmic trading) at ang pag-suporta sa diversity ng markets.
Para sa parehong baguhan at propesyonal na traders sinisiguro ng MT5 ang mga katangian at functionalities ng platform na naaayon sa mga pinakamatataas na standard ng sinumang online investor ngayon. Kabilang sa mga ito ay ang iba't-ibang uri ng pending order (buy limit, buy stop, sell limit, sell stop, buy stop limit, sell stop limit); database na naglalaman ng hindi limitadong bilang ng trade positions at ang napakabagong programming language MQL5 na nagbibigay-daan para sa mga trader na i-program ang kanilang sariling trading robots at indicators ayon sa kanilang kagustuhan at piniling financial assets.
Mobile Trading sa MT5
Ang MT5 suite ay may kasamang apps para sa parehong iOS at Android devices na nagbibigay ng buong access sa iyong account habang ikaw ay nasa labas, na may mga katangian gaya ng mobile chart at technical analysis options na may mahigit 30 built-in indicators at 24 analytical objects.