Ang MetaTrader 4, na kilala rin sa tawag na MT4, ay isang elektronikong trading platform na malawakang ginagamit para sa pagti-trade ng forex. Ginawa ito ng kumpanya ng software sa Russia na MetaQuotes Software Corp., na kasalukuyang naglilisensya ng MT4 software sa mahigit 500 broker at bangko sa buong mundo. Inilabas noong 2005, ang MT4 trading software ay naging napakasikat sa mga nagti-trade ng forex dahil sa mga napakadali nitong katangian at abilidad na magsagawa ng awtomatikong pagti-trade sa pamamagitan ng pabibigay ng pagkakataon sa mga user na gumawa ng sarili nilang mga trading script at trading robot (na kilala bilang expert advisors). Para sa karamihan ng mga nagti-trade at nag-i-invest online, forex o CFDs (Contracts for Difference sa iba't-ibang pinansyal na istrument) man ang kanilang itini-trade, hindi maikakaila na kilalang-kilala na ngayon ang MetaTrader 4.
Hindi lang kinikilala bilang tanyag na online trading platform para makakuha ng access sa mga global market, ang MT4 ay tinuturing din bilang pinakamagandang software para sa retail foreign exchange trading (i.e. dahil ginawa ito para sa mga indibidwal na online traders). Ang mga online (o electronic) trading platform ay computer-based software programs na ginagamit para magsagawa ng trading orders para sa iba’t-ibang financial instruments sa pamamagitan ng network na may financial institutions (e.g. mga brokerage na kumpanya) na nagsasagawa bilang financial intermediaries (i.e. nagsasagawa ng online transaksyon sa pagitan ng mga buyer at seller sa pamamagitan ng pagsasagawa ng kanilang trade). Ang mga online investors ay maaaring mag-trade sa live market prices na ini-istream ng mga rading platforms, at pagandahin ang kanilang potensyal na kita sa pamamagitan ng pagbibigay ng iba pang mga tools sa pag-trade gaya ng trading account management, live news feeds, package sa pag-chart at paggamit ng trading robots, na tinatawag ding expert advisors.
Kumpara sa mga online trading platforms ngayon na ginagamit sa pag-trade ng mga financial instruments gaya ng currencies, equities, bonds, futures at options, ang pinakaunang mga software versions ay ginagamit lamang sa stock exchange. Hanggang 1970s, ang mga financial transactions sa pagitan ng mga brokers at counterparties ay pino-proseso nang manual, at ang mga trader ay walang direktang access sa mga global financial markets. Sa panahon ding ito nagsimula ang mga electronic trading platforms na magsagawa ng ilang bahagi ng mga transaksyong ito. Ang mga pinakaunang platform ay ginagamit lamang para sa stock exchange at tinatawag na RFQ (request for quote) systems, kung saan ang mga kliyente at broker ay naglalagay ng nga order na kinukumpirma matapos ang ilang oras. Simula ng 1970s, ang mga e-trading platforms na hindi nagbigay ng live streaming prices ay unti-unting pinalitan ng mas pinagandang software na may kaagad-agad na pagsasagawa ng mga order, kabilang na ang live price streaming at pinabuting client user interface.
Paano Nagsimula ang MT4
Ang pinakaunang henerasyon ng internet-based foreign exchange (forex) trading platforms ay nagsimula noong 1996, kaya naging posible para sa foreign exchange na maging mas mabilis at para sa mga customer markets na lumago pa. Bilang resulta, ang web-based retail foreign exchange ay nagpahintulot para sa mga indibidwal na kliyente na makakuha ng access sa mga global markets at mag-trade ng mga currencies direkta mula sa kanilang mga computers. Kahit na ang unang henerasyon ng mga electronic trading platforms ay basic software lamang na pwedeng i-download sa mga computer at hindi nagtataglay ng mga user-friendly interfaces, unti-unti ang mga bagong katangian gaya ng technical analysis at charting tools ay idinagdag, na nagresulta sa pinabuting katangian at ang opsyon para sa mga programang ito para gamitin bilang web-based platforms at sa mobile devices (e.g. smartphones, tablets) na pwedeng gamitin kasama ng automated tools tulad ng trading robots.
Kasabay ng paglabas ng mga online trading platform, ang mabilis na lumagong foreign exchange market ay lumaki, na mayroong mga indibidwal na maaaring mag-access sa mga global markets at mag-trade online gamit ang mga broker at bangko: retail forex. Ang market segment na ito ay nagpahintulot kahit sa mga maliliit na investors para magkaroon ng access sa mga markets at mag-trade na may maliliit na halaga. Ang demand para sa mga teknikal at makabagong trading platforms ay lumago pa, lalo na ang retail forex trading, at ang pangangailangan ng mga indibidwal na direktang mag-trade sa mga global market. Inilabas noong 2005, ang MetaTrader 4 online trading platform ang uri ng software na nagbigay daan para sa maraming mga retail forex traders na mag-suri at mag-invest sa currency exchange at iba pang mga financial instruments mula saan mang sulok ng mundo.
Paggamit ng MetaTrader (MT4)
Sa kasalukuyan, mahigit kalahating milyong retail traders ang gumagamit ng MT4 platform sa kanilang pang-araw araw na pag-trade, at nagkakaroon ng benepisyo mula sa malawak nitong katangian na tumutulong aa kanilang mga desisyon sa pag-invest gaya ng automated trading, mobile trading, one-click trading, news feed streaming, built-in custom indicators, ang abilidad na magsagawa ng maramihang orders, napakaraming mga indicators at charting tools. Bagay para sa parehong baguhan at ekspertong mga trader na may iba’t ibang mga investment skills at practices, ang MT4 ay maaaring ituring bilang pinakamagandang trading software sa bawat sulok ng mundo.
MT4 at Automated Trading
Ang automated trading ay kilala sa mga online investors bilang tool na nakakatulong sa awtomatikong pag-proseso ng mga orders nang mabilis at ayon sa serye ng rule sa pag-trade (gaya ng entries at exits) na inilagay ng mga trader sa paggamit ng MQL programming language ng MetaTrader 4. Kilala din bilang system trading, ang awtomatikong pag-trade ay mayroon pang magandang katangian: dahil nagsasagawa ito ng mga trade na base sa gusto ng mga trader, hindi kabilang ang emotional factor mula sa pag-trade, na madalas negatibong nakakaapekto sa mga desisyon sa pag-trade. Kaya naman mayroon itong abilidad na hawakan ang pag-trade sa kabila ng mga investor, kabilang na ang mga analitikong proseso na kasama ng trading process.
Ang makabagong teknolohiya ng MT4 platform ay nagbibigay ng awtomatikong pag-trade bilang fully integrated feature, nagsasagawa ng paulit-ulit na trading order sa bilis na hindi maaari sa manual na pag-trade. Para sa maraming mga investor nakakapagpatipid ito ng oras mula sa paulit-ulit na pagtingin sa market at pagsagawa ng trade.
Ang backtesting (i.e. Pag-test ng mga istratehiya sa pag-trade bago ang mismong pag-trade) ay isa pang katangian ng automated trading dahil nagsasagawa ito ng mga trading rules sa historkal na market data kaya naman tinutulungan nito ang mga investor na suriin ang pagkabisa ng iba’t ibang mga idea sa pag-trade. Sa paglagay ng mabisang backtesting, mabilis na masusuri ng mga investor at pabutihin ang kanilang mga ideya sa pag-trade, na maaari nilang ilagay sa kanilang mga trading practices para mas magandang mga resulta. Ang automated trading ay isang makabagong pamamaraan para mag-trade sa mga merkado, at para sa mga baguhang mga trader, inire-rekumenda na magsimula sa mga maliliit na halaga habang natututo pa.
Higit pa, ang mga potensyal na mekanikal na problema ay pwede ring makaapekto sa kalalabasan ng mga trade na ginawa ng awtomatikong sistema, at marami sa mga trader na may mabagal na internet ang napipilitang subaybayan ang kanilang mga trade nang mano-mano kahit na ito’y awtomatiko. Sa panamagitan ng pag-alis ng mga negatibong aspeto gaya ng mabagal na internet, problema sa computer, o 'di inaasahang pagkawala ng kuryente, ang optical fiber connectivity sa libreng MT4 VPS (Virtual Private Server) ng XM ay sumisiguro sa tuloy-tuloy na operasyon ng awtomatikong pag-trade at expert advisors sa pamamagitan ng pagpapahintulot sa mga kliyente na kumonekta sa MT4 Virtual Private Server at mapakinabangan ang tuloy-tuloy na pag-trade.
Automated Trading at MQL
Ang automated trading ay hindi maitatangging isa sa pinaka-tanyag na katangian ng MetaTrader 4. Napakahusay na impormasyon ito, at mula 2014, mahigit 75% ng United States stock share trades, kabilang ang NASDAQ at angNew York Stock Exchange ay isinagawa sa panamagitan ng mga automated trading system orders. Ngayon ang automated trading sa MT4 software na pwede din para sa mga retail traders at investors ay napakahusay, sa pamamagitan ng pagpayag sa pag-trade hindi lamang sa mga stock kung hindi sa foreign exchange (forex), futures at options din. Ang MT4 platform ay gumagamit ng MQL4, isang proprietary scripting language sa pagsasagawa ng mga istratehiya sa pag-trade, na siyang tumutulong sa mga trader na pahusayin ang kanilang expert advisors (i.e. trading robots), custom indicators at scripts, at para masubukan at mapabuti ang kanilang mga EAs gamit ang MT4 strategy tester.
May napakalawak na function ang MQL4 na pumapayag sa mga traders na ianalisa ang mga natanggap na quote dati at ngayon, sundan ang pagbabago ng quote sa panamagitan ng built-in technical indicators at hindi lamang hawakan pero tuloy-tuloy na kontrolin ang kanilang mga trading orders. Mahigit 30 custom technical indicators ang pwedeng gamitin sa MT4 software at available sa iba’t ibang mga financial instruments maliban sa forex, na siyang tumutulong sa mga investor na tukuyin ang mga price dynamics patters, market trends at malaman ang posibleng entry at exit points, at i-manage ang mga trading signals.
Ang mga trading programs na isinulat sa MQL4 programming language ay may ibang mga gamit ang magbibigay ng ibang mga katangian ng mga kasalukuyang mga trader. Ang mga Expert advisors, na nakatali sa ibang mga charts, ay nagbibigay ng mahalagang impormasyon sa mga online investors tungkol sa posibleng mga trade at maaari ding magsagawa ng mga trade, na siyang nagbibigay ng mga order direkta sa trading server. Kasabay nito, sa paggamit ng MQL4, ang mga investor ay maaaring magsulat ng kanilang mga custom indicators at gamitin ang mga ito higit pa sa mga kasalukuyan nang available sa MT4 client terminal. Mayroon ding mga script ang MQL4, pero di gaya ng expert advisors, hindi ito nagsasagawa ng mga aksyon sa kabila ng mga trader at para lamang sa pahsagawa ng isang aktibidad sa pag-trade.
Mobile Trading at MT4
Ang MetaTrader 4 ay idinesenyo base sa mga kailangan ng ika-21 siglo na teknolohiya kaya naman sinisiguro nito ang flexibility, at abilidad na maging mobile. Ito ang rason kung bakit ang MT4 mobile trading option ay nagpapahintulot para sa mga investor na i-access din ang trading platform, maliban sa kanilang Windows at Mac operating system na PCs, direkta mula sa kanilang mga smartphones at tablets. Ang trading portfolio at multiple trading account management at/o pag-monitor ay posible. Ang pagkaroon ng abilidad na mag-manage ng iba’t-ibang mga multiple trading accounts mula sa isang interface at mula sa mga portable devices gaya ng smartphones, pocket at tablet PCs ay nagbibigay ng advantage sa mga investor sa pag-trade, habang ang compatibility ng software sa iOS operating system ay nagpapahintulot sa mga gumagamit ng Mac na tingnan ang mga pagbabago sa merkado 24 oras kada araw at mag-lagay ng trade direkta mula sa iPhone, iPad o iPod Touch.
Ang MT4 mobile trading ang dahilan para maging napakadali para sa mga online investors na sundan ang global markets kailanman o saanman, maglagay ng mga order kaagad-agad at i-manage an kanilang mga account sa alin mang PC. Higit pa dito, nagbibigay din ang mobile trading nga napakaraming mga analitikal na pagpipilian at ang grapikal na display ng quote para sa mahusay na account management. Dahil ang mga pagpipilian sa MT4 mobile trading ay parehas lamang sa smartphones at tablets gaya ng sa PCs, pwedeng mag-trade ang mga online investors nang may kasing bilis gamit ang parehas na mga trading tools for para sa pinakamahusay na resulta.